Wednesday, September 2, 2009

WIKANG FILIPINO:Mula Baler hanggang Buong Bansa

Filipino...Ang Wikang Filipino, ito ang ating Pambansang Wika. Ito ang wikang itinuro sa atin ni Manuel L Quezon. Mahalaga ito para sa ating lahat. Ito ang karamihang ginagamit natin. Upang mas madali tayong makipag-usap at maintindihan ang pinag-uusapan.
Dito sa ating bansa, ito'y napakahalaga. Ginagamit natin ito upang mas makilala pa ng husto ang ating bansa. Kumbaga ito ang susi para lubos na makilala ang ating bansa. Sa pamamagitan ng paggamit nito ay magiging maayos at magiging progresibo ang pamumuhay ng bawat Pilipino, kung gagamitin natin ang wikang ito.
'Wag sans nating kalimutan ang wikang ito,kahit saan man tayo mapunta dapat nating dalhin ito. Dapat nating tangkilikin ang Pambansang Wika. Dapat tayong magtulungan at magka-isa. Upang umunlad ang ating bansa.

No comments:

Post a Comment